MAHALAGANG BAKUNA PARA SA MGA SANGGOL AT BATA
Ang pagpapabakuna ay isang napaka-halagang aksyon upang proteksyonan ang kalusugan ng mga bata.
for babies ( 0-12 months )
HEPATITIS B
Ang Hepatitis B vaccine ay pangkontra sa sakit na Hepatitis B; ito’y karaniwang itinuturok sa may tadyang ng sanggol. Ang bakuna laban sa Hepatitis B ay TATLONG BESES binibingay:
- 1: sa pagkapanganak ng baby, o sa loob ng unang buwan nito.
- 2: 4 na linggo pagkatapos ng unang bakuna
- 3: 4 na linggo pagkatapos ng pangalwang bakuna
BCG
Ang BCG ay nagbibigay ng proteksyon laban sa TB. Hindi nito kompletong napipipigal ang pagkakaron ng TB pero malaking tulong ito lalo na sa mga malalang kaso ng TB sa mga sanggol. Ito’y itinuturok sa braso ng sanggol, at nagpepeklat. Ito’y ibinibigay ISANG BESES lamang:
- 1: Pagkapanganak ng baby
DPT: DIPTHERIA, PERTUSSIS, TETANUS
Ang DPT ay isang bakuna na lumalaban sa tatlong impeksyon na delikado kung maka-apekto sa bata: dalawa sa kanila ang nakaka-apekto sa baga, at ang sintomas ay ubo: ang ‘Diptheria’ at ‘Pertussis’. At ang ikatlo naman ay ang ‘tetanus’ na maaaring makuha ng mga bata sa mga sugat. Ito’y ITINUTUROK sa tadyang. Ito’y ibinibigay ng TATLONG BESES:
- 1: sa ika-6 na linggo ng baby.
- 2: 4 na linggo pagkatapos ng unang bakuna
- 3: 4 na linggo pagkatapos ng pangalwang bakuna
OPV O BAKUNA SA POLIO
Ang OPV ay bakuna laban sa polio, isang sakit na nakaka-apekto sa paglaki ng katawan, at siyang sanhi ng pagkalumpo nung unang panahon. Bagamat hindi na uso ang polio ngayon, ito’y mahalaga paring inumin ng mga bata ngayon panigurado. Ito’y PINAPAINOM sa bibig, at ibibinigay ng TATLONG BESES, kasabay ng DPT:
- 1: sa ika-6 na linggo ng baby.
- 2: 4 na linggo pagkatapos ng unang bakuna
- 3: 4 na linggo pagkatapos ng pangalwang bakuna
yan mga na unang vaccine ay available sa mga health centers
oo mahal kasi pag sa mga pedia sayang naman ang binibayad kong tax sa pagtratrabaho.
just being PRACTICAL
in short those vaccines are
also known as 6-1 penta
or 5-1 penta
ung OPV kasi is ORAL binibigay
when they give this expect that the baby will have fever pero for the day so lang so when twinkle got this she got fever but thats not all she was crying really hard then we notice namumula ung hita nya (this is where the injection is) to make a relieve dahan dahan naming dinapian ng mainit na towel at ayun tumigil naman sobrang sakit siguro nun. also we gave her paracetamol every 4 hours.
this happen not once not twice but thrice hehe
Heath centers will gave 3 injection of PENTA 5-1
and now that she finish the vaccines after 6 months e pwede na syang bigyan ng mga pang sakit na vaccines which is sa pedia na or meron den naman sa Health centers pero may bayad na.
here are some vaccine also needed.
MEASLES VACCINE O BAKUNA SA TIGDAS
Ang tigdas ay isang impeksyon kung saan nagkakaron ng pantal-pantal ang balat ng mga bata, na may kasamang sakit na parang trangkaso. Dahil sa mga komplikasyon nito, ito’y isa ring sakit na dapat iwasan. Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibibinigay ng ISANG BESES:
- 1: Sa ika-9 na buwan ng sanggol.
PARA SA MGA BATA (HIGIT SA 12 NA BUWAN)
MMR: BAKUNA SA BEKE, TIGDAS, AT TIGDAS-HANGIN
Bukod pa sa bakuna sa tigdas, may rekomendadong bakuna rin na kumokontra sa tatlong sakit na nakakahawa: beke, tigdas, at tigdas-hangin (mumps, measles, rubella o MMR). Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibinibigay ng DALAWANG BESES:
- 1: Pagkatapos ng 12 na buwan o unang kaarawan
- 2: Sa ika-4 hanggang ika-6 na taon
VZV: BAKUNA SA BULUTONG
Kilala naman natin lahat ang bulutong; ngayon, posibleng hindi na magkaroon ng nito ang mga bata sa pamamagitan ng bakuna. Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibinibigay ng DALAWANG BESES, gaya ng MMR:
- 1: Pagkatapos ng 12 na buwan o unang kaarawan
- 2: Sa ika-4 hanggang ika-6 na taon
MMRV: BEKE, TIGDAS, TIGDAS-HANGIN, AT BULUTONG!
Meron narin ngayong bakuna na pinagsasama ang MMR at VZV, o ang lahat ng bakuna sa beke, tigdas, tigdas-hangin, at bulutong. Dahil ang pagpapabakuna ay hindi kanais-nais na karanasan, lalo na sa mga bata, ipagtanong sa inyong doktor kung pwedeng ito ang gamitin para isang turukan na lamang.
VZV: BAKUNA SA BULUTONG
Kilala naman natin lahat ang bulutong; ngayon, posibleng hindi na magkaroon ng nito ang mga bata sa pamamagitan ng bakuna. Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibinibigay ng DALAWANG BESES, gaya ng MMR:
- 1: Pagkatapos ng 12 na buwan o unang kaarawan
- 2: Sa ika-4 hanggang ika-6 na taon
HEPATITIS A VACCINE: BAKUNA SA HEPA A
Bagamat hindi kasing grabe ng Hepatitis B, ang Hepatitis A ay maganda ring iwasan; ito’y nagdudulot ng paninilaw sa mga bata ng ilang araw, at nakukuha sa pagkain, lalo na sa mga pagkain na hindi sigurado ang pinagmulan. Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibinibigay ng dalawang beses:
- 1: Pagkatapos ng unang kaarawan ng baby
- 2: 6 hanggang 12 na buwan pagkatapos ng unang turok
HPV VACCINE: PARA SA MGA DALAGA
Rekomendado rin para sa mga dalaga ang bakuna laban sa HPV, isang uri ng virus na siyang sanhi ng kulugo, at siya ring maaaring magdulot sa kanser sa cervix o cervical cancer. Ito’y isang bagong bakuna na nailabas lang ilang taon pa lamang ang nakakalipas. Ito’y ITINUTUROK sa braso, at ibinibigay ng TATLONG BESES:
- 1: Mula 10 hanggang 18 taon.
- 2: 1 buwan pagkatapos ng unang turok
- 3: 5 buwang pagkatos ng ikalwang turok
MGA DAPAT TANDAAN
Bukod sa mga nabanggit, may mga iba pang bakuna na maaaring ibigay sa mga batang mataas ang posibilidad na makakuha ng partikular na sakit gaya ng Meningococcal vaccine laban sa sakit na ‘meningococcemia’ na nakaka-apekto sa utak; at ang Rotavirus vaccine para sa ilang uri ng pagtatae; ikonsulta sa inyong pediatrician o iba pang doktor kung ang mga ito’y nararapatan.
xoxo,
Moomy
SAIRIEL
No comments:
Post a Comment
thank you for reading my blog :)